^

Metro

Lola pisak sa bus

-

Patay ang isang lola makaraang madurog ang katawan nito nang masagasaan ng isang shuttle bus, kamakalawa ng hapon sa Las Pinas City. Nakilala ang biktima na  si Ceferina Magallona, biyuda at residente ng 70 T.S. Cruz, Almanza ng nabanggit na lungsod.

Agad namang sumuko ang driver ng nakasagasang shuttle bus na may plakang PYX-722 na si Nestor Garcia, 45,at residente ng 183   Manggahan St., Pamplona, Las Pinas City. Batay sa ulat , dakong alas-3:40 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa harap mismo ng Las Piñas City Hall sa Alabang, Zapote   Road.

Nabatid na nagbaba ng pasahero ang driver na si Garcia sa nasabing lugar at agad na pinaandar ang naturang shuttle bus dahilan upang hindi nito umano namalayan ang tumatawid na biktima.

Dahil dito at tuluy-tuloy na nasagasaan ng minamanehong sasakyan ng suspect ang  biktima hanggang sa mapisak ang katawan ng huli. Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa piskalya ng Las Piñas City ang driver ng nasabing bus. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CEFERINA MAGALLONA

CITY HALL

LAS PI

LAS PINAS CITY

MANGGAHAN ST.

NESTOR GARCIA

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with