^

Metro

3 electrician natusta

-

Pawang kritikal sa pagamutan ang 3 electrician  makaraang ma­sunog ang mga ito nang madikit sa isang high voltage wire habang nagkakabit ng linya ng kuryente sa loob ng Amazing Philippine Theater, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Patuloy pa ring inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital bunga ng 2nd degree burn sa katawan sina Romilo Gilboy, 24; Alex Jose, 51; at Michael Lumenda, 27.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa ground floor ng Amazing Philippine Theater, Cultural Center of the Philippine (CCP) ng Pasay City. Nabatid na magka­akibat ang mga biktima ng instilasyon ng kuryente sa entablado   nang aksidenteng masagi ng kanilang hawak na kawad ang high voltage wire na nakalawit sa kisame. Dahil dito, biglang sumabog ang linya ng kuryente at dumaloy sa katawan ng mga biktima ang malakas na   boltahe na naging sanhi upang tuluyang higupin ang mga ito at masunog ang kanilang katawan.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa nabanggit na pagamutan kung saan nasa malubha pang kalagayan ang mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALEX JOSE

AMAZING PHILIPPINE THEATER

BATAY

MICHAEL LUMENDA

PASAY

ROMILO GILBOY

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with