Itinanggi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Geary Barias ang mga spekulasyon na idinidiin na nila ang Ayala Land Inc. sa naganap na pagsabog sa Glorietta mall 2 noong Biyernes ng Oktubre 19.
Sinabi ni Barias, na wala naman silang rason para idiin ang Ayala sa kabila na sinasabing aksidenteng “gas explosion” ang naganap. Idiniin nito na sa umpisa pa lang ay tumutulong na sa kanila ang Ayala at patuloy pa rin naman ang kanilang pakikipag-usap dito.
Inamin naman nito na hindi pa nila nakukuha ang submersible pumps sa lugar ng pagsabog na pangunahing pagkukunan ng imbestigasyon ng pulisya. Ilan namang mga mahahalagang gamit ang narekober at isinasailalim pa sa pagsusuri.
Itinanggi rin nitong magbigay ng pahayag ukol sa sinasabing electrical malfunction ang sanhi ng pagsabog dahil isinasailalim pa sa pagsusuri ang lahat ng bagay na kanilang narekober sa lugar kabilang na ang electrical fuse sa motor pump at isang jumper wire na posibleng lumikha ng kislap na sanhi ng pagsabog.
Nakatakdang ipalabas naman ng multi-agency investigation task force sa pamumuno ni Southern Po lice District Director C/Supt. Luizo Ticman, ang pinal na resulta ng ka nilang imbestigasyon sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. (Danilo Garcia at Rose Tamayo-Tesoro)