^

Metro

NCRPO itinangging idinidiin ang Ayala Corp. sa Glorietta blast

-

Itinanggi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Geary Barias ang mga speku­las­yon na idinidiin na nila ang Ayala Land Inc.  sa naganap na pagsa­bog sa Glorietta mall 2 noong Biyernes ng Oktubre 19.

Sinabi ni Barias, na wala naman silang ra­son para idiin ang Ayala sa kabila na sinasabing aksidenteng “gas explo­sion” ang naganap.  Idiniin nito na sa umpisa pa lang ay tumutulong na sa kanila ang Ayala at patuloy pa rin naman ang kanilang pakikipag-usap dito.

Inamin naman nito na hindi pa nila naku­kuha ang submersible pumps sa lugar ng pag­sabog na pangunahing pagkukunan ng imbes­tigasyon ng pulisya.  Ilan namang  mga mahaha­lagang gamit ang nare­kober at isinasailalim pa sa pagsusuri.

Itinanggi rin nitong magbigay ng pahayag ukol sa sinasabing elec­trical malfunction ang sanhi ng pagsabog dahil isinasailalim pa sa pag­susuri ang lahat ng bagay na kanilang nare­kober sa lugar kabilang na ang electrical fuse sa motor pump at isang jum­per wire  na posib­leng lumikha ng kislap na sanhi ng pagsabog.

Nakatakdang ipala­bas naman ng multi-agency investigation task force sa pamu­muno ni Southern Po­ lice District Director C/Supt. Luizo Ticman, ang pinal na resulta ng ka­ nilang imbestigasyon sa loob ng isa hang­gang dala­wang  linggo. (Da­nilo Gar­cia at Rose Tamayo-Tesoro)

AYALA

AYALA LAND INC

DIRECTOR GEARY BARIAS

DISTRICT DIRECTOR C

ITINANGGI

LUIZO TICMAN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with