^

Metro

Pintor nagparaos sa 2 anak

-

Isang ama ng tahanan ang naglapastangan ng puri ng kanyang dalawang dalagitang anak makaraang paglalama­sin niya ang mga ito at gina­wang parausan habang wala sa bahay ang kanyang misis kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Matinding pagsisisi at halos maglumuhod sa pag­hingi ng tawad ang suspek na si Emil Prado, 49, pintor, barangay ta­nod ng Guava Road, Ba­rangay Potrero sa mga bikti­mang itinago sa mga pa­ngalang Grace, 18; at Carmen, 15.

Ayon sa ulat ni PO1 Char­lie de Guzman, may hawak ng kaso, unang pinagsa­manta­la­han ng suspek si Grace da­kong alas-6 ng umaga habang wala ang asawa nito at isang anak.

Sa salaysay ng biktima, bigla na lamang siyang si­nunggaban ng kanyang ama at agad na hinubaran ng damit bago kinubabawan. Nang ma­karaos ay tinakot ng suspek ang biktima na may ma­sa­mang mangyayari sa kanila kapag nagsumbong ito sa kanyang ina kaya’t minabuti ng dalaga na manahimik na lamang.

Dakong alas-11 ng umaga, muling sinumpong umano ng kanyang pagiging hayok sa laman ang suspek at pinag­sa­mantalahan nito ang isa pang anak na si Carmen su­balit nagising ito sa ginagawa ng ama at siyang naglakas-loob na sumigaw at humingi ng tulong.

Mabuti na lamang at du­mating ang inang si Maria Mer­cedes at nasaklolohan ang biktima na mabilis na hu­mingi ng tulong sa kanilang barangay at ipinaaresto ang manyakis na asawa. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DAKONG

EMIL PRADO

GUAVA ROAD

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MARIA MER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with