^

Metro

Estudyante inararo ng bus, pisak

-

Kalunus-lunos na kamatayan ngayong panahon ng Undas ang sinapit ng isang estudyante makaraang mapisak ang katawan nito ng isang bus nang masagasaan siya kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si John Anthony,   estudyante ng Fatima University at service crew ng isang food chain. Sa ulat ng Quezon City-Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa kahabaan ng Regalado St., Brgy. West Fairview, ng naturang lungsod.

Napag-alamang nakipagsapalaran ang biktima na unahan sa pagtawid ang pampasaherong bus ng Gasat Express(TVH-302) ngunit nahagip ito, napailalim at nasagasaan ng gulong sanhi upang mapisak ang katawan.

Mabilis namang tumakas ang driver ng naturang bus na nakilala lamang sa alyas na Miyaser na siya ngayong  target  ng manhunt ng pulisya.

Ayon naman sa konduktor ng bus, may iniwasan silang FX van kung kaya nang kabigin ng tsuper ang bus ay nawalan ito ng kontrol dahilan para masagasaan ang biktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

GASAT EXPRESS

JOHN ANTHONY

QUEZON CITY

QUEZON CITY-TRAFFIC SECTOR

REGALADO ST.

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with