^

Metro

P7.50 pasahe sa jeep, simula ngayon

-

Simula na ngayong Nob­yem­bre 2, araw ng Biyernes  ay maniningil na ang mga driver ng pampasaherong jeep ng P7.50  minimum na pasahe sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Noong nakaraang linggo ay inutos ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik sa P7.50 sa minimum na pasahe sa jeep mula sa dating P7.00 minimum fare.

Magugunitang Nobyem­bre, 2006 ay P7.50 na ang mini­mum fare at pagdating ng Dis­yembre, 2006 ay ginawa ng LTFRB na  P7.00 na lamang ang minimum na pasahe sa jeep bilang Pamaskong han­dog sa riding public at tumagal na ito ng ilang buwan.

Pero dahil sa umalma na ang iba’t ibang grupo ng trans­portasyon bunsod ng pagtaas ng halaga ng krudo at gasolina kada litro, nagsampa ng pe­tisyon para sa fare increase ang mga jeep ng dagdag na P1.50 at P2.00 dagdag sa ordinary buses.

Gayunman, sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion na hindi napapanahon na maipatupad ang dagdag pasahe ngayong pagtatapos  ng taon dahil kulang sila sa panahon at oras para busisiin ito ng LTFRB board.

Tanging ang pagbabalik ng minimum na pasahe na P7.50 lamang anya ang maipagka­ka­loob ng LTFRB sa kasa­lukuyan. (Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

BIYERNES

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

GAYUNMAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING RE

MAGUGUNITANG NOBYEM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with