^

Metro

Dalaga pinilahan ng 7

-

Masaklap na karanasan ang sinapit ng isang magan­dang bagong graduate na dalaga matapos halinhinang halayin ng 7 lalake  sa lungsod Caloocan na iniulat kahapon.

Halos hindi makapagsalita sa tindi ng sakit nang mag­tungo kasama ang kanyang mga magulang sa tanggapan ng Womens and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan-PNP, ang biktimang itinago sa pangalang Carol, 18, com­puter science graduate upang pormal na ireklamo ang pitong suspek na humalay sa kanya, dalawa sa mga ito ay na­kilala sa mga alyas King at Bryan, na kapwa naninirahan sa Kaunlaran Village, Caloocan City.

Sa salaysay ng biktima, naganap ang gang-rape sa pagitan ng ala-1 hanggang alas-2 ng madaling-araw sa bahay ng suspek na si King at Bryan .

Ayon sa biktima, inaya siya ng kakilalang si Noli sa bahay ng suspek upang magkasiya­han at dahil kapitbahay lang at para hindi mapagsabihang suplada ay  nagpaunlak siya ka­sama ang isa pang kaibigang dalaga na si Natalia.

Pagdating sa bahay ng sus­pek na sina King at Bryan ay na­datnan nila ang lima pang mga kalalakihan na nag-iinuman at makatapos kumain ay nagka­ya­yaan na umanong mag-inuman ang grupo.

Makalipas ang ilang san­daling inuman ay nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa mawalan ito ng lakas at maramdaman na lamang ng dalaga na halin­hinan na siyang pinagsasa­man­talahan  ng pitong ka­inuman. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CITY

CONCERNED DESK

KAUNLARAN VILLAGE

LORDETH BONILLA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with