^

Metro

Vintage bomb sumabog, bata patay

-

Humabol sa Undas at naging kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na bata makaraang masabugan ng isang vintage bomb sa loob ng isang junkshop kahapon sa Muñoz, Quezon City.

Naluray ang buong katawan ng biktimang nakilalang si Wendell Camacho, isang magbabakal, at residente ng Santiago St. , Brgy. Don Antonio, Muñoz, ng naturang lungsod.

Dalawa pa ang nasugatan at ang isa ay nakilala lamang sa pangalan namang  Anthony sa naganap na pagsabog . Ang mga ito ay isinugod   sa Quezon City General Hospital at ngayon ay   nasa maayos namang kundisyon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, naganap ang pagsabog dakong ala-1:18 ng hapon sa isang junkshop sa panulukan ng Batangas St. at Don Antonio St.  sa naturang barangay.

Ayon kay Don Antonio chairman Antonio Diño, nagbebenta umano ng mga nakolektang bakal, bote at plastik ang biktima nang maganap ang pagsabog.  Sinasabing isang vintage bomb  umano ang sumambulat sa harap ng biktima sanhi upang maluray ang katawan nito.

Hindi naman malinaw kung ibinibenta ni Camacho ang bomba at kung tiniktik ito sanhi upang sumabog.  Nabatid naman ang dalawang biktima na isinugod sa pagamutan ay pawang mga tauhan sa naturang junkshop.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Baler police station, Special Weapons and Tactics, at Bomb Disposal Unit ng QCPD.  Iniimbestigahan naman ng pulisya ang insidente habang kinikilala rin ang may-ari ng junkshop.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na una na silang nakipagpulong sa mga may-ari ng junkshop sa lungsod na dinaluhan ng 100 operators.  Dito pinaalalahanan ang mga ito na huwag bumili ng mga napupulot na vintage bomb  at ipagbigay-alam agad sa pulisya upang hindi magdulot ng panganib. (Danilo Garcia)

ANTONIO DI

BATANGAS ST.

DON ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with