^

Metro

282 illegal OFWs nasabat, pinigil sa NAIA

-

Umaabot  na sa 282 illegal overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Singa­pore, Hong Kong at Middle East ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Imigration (BI) at pini­gilang makaalis ng bansa bilang resulta sa tuluy-tuloy na  kam­pan­ya ng ahensya laban sa sin­di­kato ng human trafficking at sa “escort service racket” sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay  Immigration Com­missioner Marcelino Libanan, umaabot sa 310 pasahero (282 OFWs at 28 foreigners) ang na­harang at na-offload  sa kanilang flights noong Hunyo 15 hang­gang Sept. 30 sa NAIA Terminal 1 at Centennial Terminal 2. Sa nasabing bilang, nabatid na  260 Pinoy workers ay nagpanggap na turista at kulang-kulang ang mga iprinisintang dokumento sa mga immigration agents.

Hinarang at hindi pinaya­gang makalabas ng bansa ang mga OFWs dahil sa wala silang hawak na permiso mula sa Philippine Overseas Employ­ment Administration at iba pang dokumento na nagpapatunay na sila’y legal na magtatrabaho sa ibang bansa.

Una nang inatasan ni Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo si Libanan na pahintuin ang escort service racket sa NAIA upang maprotektahan ang interes ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa. Ang escort racket ay sinasabing pinatatakbo ng mga “grafters” mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. (Ellen Fernando)

BUREAU OF IMIGRATION

CENTENNIAL TERMINAL

ELLEN FERNANDO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HONG KONG

IMMIGRATION COM

MARCELINO LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with