^

Metro

100 barung-barong tupok sa sunog

-

Sumabay sa halalan ng Ba­rangay at Sangguniang Kaba­taan ang isang sunog na tumu­pok sa higit 100 barung-barong kahapon ng madaling-araw sa Quezon  City.

Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection Fire Marshall Chief/Insp. Oscar Villegas, naganap ang sunog dakong alas-5:37 ng madaling- araw sa squatter’s area sa panulukan ng E. Rodriguez at Araneta Avenue sa Brgy. Tatalon, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nag-ugat ang sunog sa isang napabayaang kandila sa bahay ng isang Ven­chito Castillo, isang barangay tanod. Nabatid na walang suplay ng kuryente sa naturang lugar matapos na putulan sila ng Meralco dahil sa talamak na pag­nanakaw ng kuryente sa mga iligal na koneksyon   ng mga residente.

Tumindi naman ang tensyon sa lugar nang mangamba ang mga bumbero na mahagip ng apoy ang isang gasoline station na may ilang metro lamang ang layo sa lugar ng sunog.  Maagap namang binasa ng mga bum­bero ang bisinidad ng gas station at matagumpay na hindi umabot ang apoy.  Sinabi ng mga bumbero na malaking pag­sabog ang posibleng maganap kung maabot ng apoy ang gasoline station.

Umabot sa Task Force Alpha ang naturang apoy at naapula lamang dakong alas-8:16 ng umaga.  Bigo naman ang mga pamatay-sunog na mailigtas ang marami sa mga kabahayan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa gawa sa light ma­terials ang mga barung-barong. Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog. (Danilo Garcia)

ARANETA AVENUE

DANILO GARCIA

OSCAR VILLEGAS

QUEZON CITY BUREAU OF FIRE PROTECTION FIRE MARSHALL CHIEF

SANGGUNIANG KABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with