^

Metro

BMW tinangay sa QC

-

Muli na namang sumala­kay ang mga kilabot na carjacker matapos na ma­tangayan ang isang negos­yante ng kanyang sports car habang iihi sana ito sa isang urinal sa gilid ng EDSA sa Quezon City kaha­pon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Jefferson Sy, 27-anyos, resi­dente ng 4th street, Gracepark, Caloocan City. Natangay dito ang kanyang dark gray na BMW 747-I sports car  (RCC-747).

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 10, dakong alas-10 ng umaga sa gilid ng EDSA malapit sa panulukan ng Quezon Ave. ay huminto umano si Sy at patu­ngo sana sa urinal ng MMDA nang huminto naman ang isang asul na Toyota Tamaraw FX at bumaba ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Tinutukan ng mga ito si Sy ng baril at puwersahang hiningi ang susi ng kotse  nito. Wala namang nagawa ang biktima kundi sumunod at ibinigay ang susi sa takot na barilin siya.

Mabilis namang inireport ni Sy ang insidente sa Kamuning police station ngunit nabigo pa rin ang pulisya na mahabol ang mga suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

GRACEPARK

JEFFERSON SY

QUEZON AVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SY

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with