78 huli sa liquor ban
Umabot na sa 78 katao ang naaresto sa unang bugso ng pagpapatupad ng liquor ban sa Metro Manila. Nagsimula ang pagbabawal sa pag-inom ng alak eksakto alas-12 ng hatinggabi noong Sabado kasabay ng pagtatapos ng campaign period. Magwawakas ang liquor ban alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.
Nakasaad sa ban ang pagbabawal uminom, magbenta, bumili at mag-alok man lamang ng alak sa sinumang kandidato o ordinaryong botante.
Mahaharap ang sinumang mapapatunayang lumabag dito ng parusang pagkakulong ng hanggang anim na taon, multa at tatanggalan ng karapatan na makatakbo o bumoto sa anumang uri ng posisyon sa pamahalaan.
“Exempted” naman sa ban ang mga hotel at iba pang establisimyento na sertipikado ng Department of Tourism bilang “tourist-oriented” at ang mga “catering service” na nagseserbisyo sa mga dayuhan. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending