^

Metro

Prosecutors nakaantabay sa election related cases

-

Sa kabila ng deklarasyon na special holiday ngayong araw ng synchronized Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay elections, nagpakalat ang Department of Justice (DOJ) ng mga prosecutors sa Metro Manila.

Kinumpirma kahapon ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na may mahigit 100 inquest prosecutors ang itinalaga sa iba’t ibang barangay na hahawak sakaling magkaroon ng election related offenses sa panahong nagaganap ang botohan.

“I have ordered the National Capital Region Chief Prosecutors to double the number of their inquest prosecutor due to possibility of election related crimes,” ayon kay Zuño.

Kabilang sa posibleng magkaroon ng paglabag sa  vote-buying, liquior ban, gun ban, physical injuries, assaults at iba pang karahasan na normal na nangyayari sa mga panahon ng eleksiyon.

Noong nakalipas na linggo, inabisuhan na rin niya ang mga Regional State Prosecutors sa bansa na ilagay sa alert status ang mga lokal na piskalya upang makatiyak na may hahawak sa anumang kaso na maaring isailalim sa inquest proceedings. 

Ang pagsasailalim sa inquest ng mga nahuhuling suspek ay kailangan upang maagapan ang kaso at hindi lumagpas sa prescribed period na itinatadhana ng batas. (Ludy Bermudo)

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

KABILANG

LUDY BERMUDO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION CHIEF PROSECUTORS

REGIONAL STATE PROSECUTORS

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with