^

Metro

Lalaki todas sa riding in tandem

-

Isang 28-anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaking lulan sa isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang nasawi na si Cris Rolly Villanueva, ng Block 14 Lot 10 Empress I Subdivision, Marikina City.

Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na pawang mga armado ng baril, nakasuot ng itim na jacket, bull caps, at nakasalamin.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Pres. Quirino Highway at Tandang Sora Extension sa Brgy. Talipapa, ng naturang lungsod.

Nabatid na kabababa lamang ng biktima sa kanyang Suzuki na motorsiklo (DW-9854) nang huminto sa harapan nito ang dalawang suspek sakay naman ng isang itim na motorsiklo.

Agad na pinaulanan ng bala ng mga suspek ang biktima at tumakas matapos na matiyak na wala nang buhay si Villanueva.

Bigo naman ang pulisya na agad na makapagtayo ng checkpoints upang madakip ang mga suspek.  Kasalukuyan naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng naturang krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRIS ROLLY VILLANUEVA

DANILO GARCIA

EMPRESS I SUBDIVISION

MARIKINA CITY

QUIRINO HIGHWAY

TANDANG SORA EXTENSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with