^

Metro

Murder vs ex ni Kuh Ledesma di pa umuusad sa korte

-

Sa kabila ng kautusang ipinalabas ni Acting Justice Secretary Agnes Devanadera na isampa na ang kasong murder laban sa ex-husband ni Kuh Ledesma kaugnay sa umano’y pagpatay sa kanyang half brother, hindi pa umano ito isinusulong sa korte ni Prosecutor Cielito Lindo Luyon.

Dahil dito, kinuwestiyon kahapon sa DOJ ni Atty. Gabriel Enriquez, ng Manalo-Pino-Guerzon-Jocson Law Office na nagta­taka siya kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naihahain ang information sa kasong murder sa napaslang na si Federico Delgado, anak ng shipping magnate na si Don Paco Delgado.

Iginiit ni Atty. Enriquez na isang malinaw na paglabag ito sa isinasaad ng Section 10 ng petition for review manual ng DOJ na hindi maaring antalain ang pagsasampa ng criminal information kahit pa may MR dito.

Naniniwala ang kampo ni Delgado na sapat ang ebidensiya para pagbatayan sa pagsusulong ng kaso sa mababang korte lalo’t may testigong si Analisa Pesico, na  nakakita at positibong kumilala sa suspek na si Luisito Gonzales.

Una nang idinismis ni Pros. Luyon ang kasong murder laban kay Gonzales subalit binaligtad ito ni Devanadera noong Oktubre 18, 2007 na nag-aatas kay Luyon na isulong sa korte ang kasong murder. (Ludy Bermudo)

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

ANALISA PESICO

DON PACO DELGADO

FEDERICO DELGADO

GABRIEL ENRIQUEZ

KUH LEDESMA

LUDY BERMUDO

LUISITO GONZALES

LUYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with