^

Metro

Ama todas sa pag-awat  sa nakikipagrambol na anak

-

Patay ang isang lalaki ma­karaang masaksak ito ng tang­kaing awatin ang anak na na­sangkot sa isang rambol ka­hapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Dead on arrival sa Rizal Medical Center sanhi ng isang saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Eduardo Masbate, 43, pintor, residente ng #9 Villa Roas st. Brgy. Sto. Tomas nasabing lungsod.

Naaresto naman ang pitong suspek na naka­laban ng grupo ng anak ng biktima, ilan sa mga ito ay kinilalang sina Ronnel Talip, 19; Edmon Mendoza, 19; John Fernandez, 18, at apat pang nasa edad 15 hanggang 17-anyos.

Ayon sa ulat ni PO2 Norman Barcellano, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maka­sagupa ng grupo ng mga suspek ang grupo ng anak ng biktima na sinasabing 16-anyos lamang sa kahabaan ng bagong Taon st., Brgy. Sto. Tomas.

Tinangkang pumagitna ng biktima para umawat sa mga nagkakagulong kabataan sa takot na mapahamak ang kan­yang anak subalit siya naman ang pinagbalingan ng isa sa mga suspek at sinaksak ito.

Matapos ang insidente ay agad na nagsitakas ang magka­bilang grupo ngunit naaresto sa ginawang follow-up operations ang mga nasabing kabataan.

Wala namang umamin sa mga suspek kung sino ang naka­ saksak sa biktima kaya ang mga ito ay kasalukuyang pinipigil sa Pasig City detention cell habang iniimbestigahan. (Edwin Balasa)

BRGY

EDMON MENDOZA

EDUARDO MASBATE

EDWIN BALASA

JOHN FERNANDEZ

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with