^

Metro

OFW huli sa bagaheng may 15 bala sa NAIA

-

Inaresto  ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group (Avsegroup) ang isang overseas Filipino worker (OFW)  matapos na mahulihan ng may 15 pirasong bala sa kan­yang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kama­kalawa ng gabi. Tanging iyak na lamang ang nagawa nang papaalis na pasahero na nakilalang si Marivic Elada, 40, tubong Bauan, Batangas nang arestuhin ito at hindi na payagan pang makasakay sa kanyang flight patungo sa Italy kung saan siya nagtatrabaho bilang domestic helper.

Ayon kay P/Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS) pasakay na sana si Elada kasama ang dalawang anak sa KLM flight 804 nang maaninag sa X-ray security machine ang mga hugis bala sa loob ng bagahe nito. Dahil dito, agad na pinabuksan ng X-ray operator na nakilalang si Norma Gal­vez ang bagahe ni Elada at sa isinagawang manual inspection ay nakita ang 10 pirasong bala ng kalibre .45 at limang pirasong bala ng  kalibre .22 na nakaipit sa tatlong set ng kurtina sa kanyang bagahe.

Sa isinagawang pagsisiyasat, sinabi ni Elada na ang mga kurtina ay ipinakiusap lamang sa kanya ng anak ng kanyang kasamahang domestic helper sa Italy na nakilalang si Gloria Mortel.

“May nagpakilalang anak ni Glo na nagtungo sa aming bahay at ipinakisuyo ang mga kurtina. Hindi ko naitanong ang kanyang pangalan, at ang pagkakamali ko ay hindi ko na pinabuksan iyong cellophane dahil tiwala naman ako na walang kakaibang laman iyon bukod sa kurtina lang. Hindi ko akalain na mapapahamak ako,” nanlulumong pahayag ni Elada sa Avsegroup.

Gayunman, nakumbinsi si Labiang na nagsasabi ng totoo ang naturang pasahero pero ipinaliwanag niya na malinaw na nakasaad sa batas na kung kanino nahuli o nakita ang mga ipinagbabawal na items lalo na ang bala at anumang uri ng armas at pampasabog ang siyang mananagot. (Ellen Fernando)

AVIATION SECURITY

AVSEGROUP

EFREN LABIANG

ELADA

ELLEN FERNANDO

GLORIA MORTEL

MARIVIC ELADA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with