^

Metro

Misis ginilitan ng adik na mister

- Angie dela Cruz, -

Nilaslas ang leeg at pinaghahataw ng matigas na bagay sa ulo hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na negos­yan­teng ginang ng kanyang sariling mister, na isa umanong addict sa droga matapos tumanggi ang una  na magbigay ng pera sa huli, kamakalawa sa lungsod ng Caloocan.

Patay na nang idating sa Manila Central University  (MCU) Hospital  ang biktimang si Maria Fe Ugay, ng #155 Loreto corner General Tinio Sts., Morning Breeze ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing pagamutan ang suspek na si Teodoro Ugay, 41, sanhi naman ng tama ng saksak sa ka­liwang balikat at kanang tuhod nito, nang makipagbuno dito ang ginang.

Ayon sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.

Nabatid mula sa ilang kapitbahay ng biktima na bago   maganap ang nasabing insidente, dalawang araw na umanong hindi natutulog ang suspect sanhi umano ng paggamit ng  droga. Umuwi lamang ito upang  humingi ng pera sa kanyang asawa para sa kanyang bisyo, subalit hindi ito binigyan ng  ginang. Dito, dali-daling kumuha ng matigas na bagay ang suspek at ipinalo sa ulo at kamay ng kanyang asawa at sa kabila nang mahilu-hilo ang ginang ay nakakuha umano ito ng kutsilyo at isinaksak sa balikat at tuhod ng suspek.

Nagawa namang maagaw ng suspek ang hawak na kutsilyo ng ginang at saka nilaslas ang leeg ng biktima. 

Mabilis namang pinuntahan ng mga kapitbahay ang bahay ng mag-asawa at kanilang nakita ang ginang na naliligo sa  dugo at ang lalake ay duguan na rin kaya’t agarang isinugod ang mga ito sa nasabing ospital kung saan sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang babae habang ang lalaki ay nanatili sa pagamutan.

vuukle comment

GENERAL TINIO STS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARIA FE UGAY

MORNING BREEZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with