^

Metro

2-anyos pinahirapan, itinapon pa sa basurahan

- Ni Grace Dela Cruz -

Malaki ang paniniwala ng pamunuan ng Manila Police Dis­trict na isa na namang biktima ng pang-aabuso ang sinapit ng isang  2-anyos  na bata matapos matagpuan ang bangkay nito sa kumpol ng basura  sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang paslit ay tinatayang nakasuot ng t-shirt, walang salawal at semi-kalbo ang gupit ng buhok.

Nabatid mula sa imbesti­gas­yon ni  Det. Jonathan Bau­tista ng Manila Police District (MPD)-homicide section,  na­kita ang bangkay ng bata dakong alas-6:10 ng umaga sa kumpol ng mga basura  sa harapan ng bahay sa 541 Road 2, Manotoc Subd., Ga­galangin, Tondo.

Batay sa ibinigay na sa­laysay ng isang Lito Catupay, residente sa naturang lugar, kalalabas pa lamang nito sa kanilang bahay nang napuna ang nakahandusay na kata­wan ng isang paslit sa kumpol ng basura. 

Aniya, inakala lamang umano nito na isang manika ang biktima kung kaya nila­pitan niya ito at nang makum­pirma na isang bata ay agad niyang ipinagbigay alam sa kanilang barangay na siyang nagreport sa pulisya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na puno ng pasa ang ulo at ka­tawan ng paslit na hinihinalang sinaktan ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Gayunman, sinabi naman ng mga  residente ng nabang­git na lugar na  hindi taga-roon ang naturang paslit kaya hini­hinalang itinapon lamang ito sa lugar.

Samantala, sinabi naman ni MPD-Homicide division Chief Alejandro Yanquiling na patuloy na tutuntunin ng pu­lisya ang mga magulang ng nasabing bata.  Masusing im­bestigasyon pa rin ang isina­sagawa ng pulisya para ma­tukoy kung sino ang gumawa sa karumal-dumal na krimen sa paslit.

CHIEF ALEJANDRO YANQUILING

JONATHAN BAU

LITO CATUPAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with