^

Metro

Trak vs motorsiklo: 2 todas

- Danilo Garcia -

Dalawang magkaang­kas sa isang motorsiklo ang kapwa nasawi maka­ra­ang sumalpok sila sa isang rumaragasang 10-wheeler truck kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Nakilala ang mga na­sawi na sina Joel Nera, 20, ng #62 Republic Ave­nue, Brgy. Fairview, Que­zon City at ang angkas nito na nakilala pa lamang sa alyas na Boy.

Sa ulat ng Quezon City Traffic Sector 5, dakong alas-2:30 ng madaling- araw nang maganap ang aksidente sa fly-over sa panulukan ng Common­wealth at Tandang Sora Avenue.

Nabatid na kapwa walang suot na helmet ang mga biktima na sakay ng isang Honda motor­cycle (OS-4732) nang sumalpok sila sa Isuzu cargo truck (PMZ-715) na minamaneho ni Demetrio Composo. Nagawa pang maisugod sa East Avenue Medical Center ang da­lawa ngunit hindi na rin umabot ng buhay dahil sa tindi ng pinsalang tinamo ng kanilang katawan.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya si Composo na nakatak­dang sampahan ngayon ng kasong reckless im­prudence resulting to double homicide.

Sa hiwalay na insiden­te dakong ala-1 ng mada­ling-araw, malubha na­mang nasugatan sina Jester de Vera, 23, isang inhinyero, ng SSS Village, Marikina City; at manager na si Ronaldo Dagaje, 32, ng UP Diliman, Quezon City nang sumalpok na­man ang sinasakyan nilang Toyota Corolla Altis (XGS-115) sa concrete bar­rier na inilagay ng Metro­politan Manila De­velopment Authority sa Commonwealth Avenue.

Agad namang na­isugod sa EAMC ang dalawa na hinihinala sa inisyal na imbestigasyon na nakainom ng alak.

CITY

COMMONWEALTH AVENUE

DEMETRIO COMPOSO

EAST AVENUE

JOEL NERA

MANILA DE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with