^

Metro

Seguridad sa malls lalong pinalakas

-

Nagdagdag kahapon ng 98 pulis ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) upang mas lalong mapaigting ang pagbabantay sa mga mahahalagang establisimento partikular sa mga malls upang hindi na maulit ang madugong Glorietta mall bombing noong Biyernes. Ang pag-aanunsyo sa karagdagang kapulisan ng EPD ay isinabay kahapon sa paglulunsad ng “Mamang Pulis”  na ginawa sa Tiendesitas sa Pasig City.

Ayon kay EPD chief Sr. Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ikakalat ang nasabing bilang ng kapulisan na nagmula sa General Headquarters sa Camp Crame at Camp Bicutan sa Taguig City sa apat na lungsod na sakop nito subalit mas madami ang ikakalat sa business center ng Ortigas Center sa Pasig City dahil sa dami ng malls at malalaking establisimento dito.

Bukod dito, nagdagdag pa ng limang mobile patrol unit ang EPD at pinalitan ng mas malalakas ng uri ng baril ang mga kagawad ng Special Weapon and Tactics (SWAT) para sa mas epektibong pakikipaglaban sa mga masasamang elemento na nagkalat katulad ng mga carjackers at mga holdaper na riding in tandem. Hanggang sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang red alert status ng kapulisan ng EPD dahil sa naganap na Glorietta bombing. (Edwin Balasa)

CAMP BICUTAN

CAMP CRAME

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

GENERAL HEADQUARTERS

GLORIETTA

LEON NILO DELA CRUZ

MAMANG PULIS

ORTIGAS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with