October 23, 2007 | 12:00am
Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos na pagbabarilin ng isang itinuturong sugapa sa shabu matapos na magkaonsehan sa bilihan ng naturang droga, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Patay na nang idating sa pagamutan ang biktimang si Artemio Carlos ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Macmac matapos na tumakas matapos ang isagawang krimen.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa isang bahagi Calavite St., ng naturang barangay. Nabatid sa inisyal na im bestigasyon na bumili ng shabu ang suspek kay Carlos upang gamitin nito at ng kanyang asawa na si Malou. Pagdating sa kanilang bahay, natuklasan ni Malou na dinurog na candy lamang ang nabiling droga kaya galit na hinanting ng suspek si Carlos. Naispatan naman ng suspek ang pusher sa lugar na tinatambayan nito kung saan isang pagtatalo muna ang naganap. Nang magkainitan, dito na nagbunot ng baril ang suspek at tatlong beses na pinaputukan ang biktima bago mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)