^

Metro

2 siga nagbarilan, nagsaksakan

-

Dalawang maton sa kani-kanilang lugar ang parehong nasawi matapos na magbarilan at magsak­sakan nang maungkat ang matagal na nilang away kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang gina­gamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sina  Ronnie Vergara, 35, may asawa, cable installer at Freddie Dantes, 35, may asawa, pintor, kapwa resi­dente ng Julian Felipe St., Sangandaan nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Station Inves­tigation Branch (SIB) ng Ca­loocan City-PNP, 11:50 ng gabi sa panulukan ng TUPDA Village at Julian Felipe St., Brgy. 8, Sangan­daan ng nasabing lungsod ay unang nakitang nagtata­gayan ng alak ang dalawa.

Sa kalagitnaan umano ng inuman ay nagtalo ang mga ito ng maungkat ang matagal na nilang alitan. Sa kainitan ng pagtatalo ang dalawa ay biglang binunot ni Dantes ang kanyang kalibre .38 baril at pinutukan ng dalawang ulit si Vergara na tinamaan sa katawan at kanang kamay.

Kahit sugatan si Ver­gara ay nagawa nitong bu­nutin ang kanyang balisong at saka magkasunod na sinaksak si Dantes sa kanang bahagi ng dibdib.

Kapwa duguang hu­man­dusay sa kalsada ang dalawang siga na kaagad namang isinugod ng ka­nilang mga kapitbahay sa nasabing pagamutan su­balit kapwa rin binawian ng buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DANTES

FREDDIE DANTES

JULIAN FELIPE ST.

LORDETH BONILLA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

RONNIE VERGARA

SHY

STATION INVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with