^

Metro

Presyo ng LPG tumaas din

-

Sa ikaapat na pagkaka­ taon ngayong buwan ay muli na namang nagtaas ng presyo ng kanilang produktong Liquified Petrolium Gas (LPG)  at krudo ang mga kompanya ng langis na sinimulan kahapon.

Dakong alas-12:01 ng ma­daling-araw ng simulang mag­taas ng halagang 50 sentimos sa kanilang produk­tong gasoline, kerosene at diesel ang Shell na agad namang sinundan ng Petron at Total ganap na alas-6 ng umaga.

Dakong alas-12 ng tang­hali ng sumunod ng katulad ding halaga ang Chevron habang inaasahan pang magsisipag­sunod ang iba pang kompanya sa mga susunod na oras.

Bukod dito ay inanunsyo din ng Shell at Petron ang pagtaas nila ng 50 sentimos o kabuuang P5.50 kada 11 kg na tangke ng kanilang ibiniben­tang LPG.

Ayon sa mga tagapag­salita ng mga kompanya ng langis, kinakailangan na nila umanong ipasa sa con­sumers ang dagdag na presyo dahil sa muli na namang pagtaas ng presyo ng pro­dukto sa pan­daigdigang pamilihan.

Sa ngayon ay inasahan na muling magtataas ang presyo ng crude oil sa world market dahil sa papasok na taglamig sa mga oil importing countries. 

Dahil dito saad pa ng mga tagapagsalita na posibleng magtutuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng LPG at krudo sa mga darating na buwan. (Edwin Balasa)

AYON

DAKONG

EDWIN BALASA

LIQUIFIED PETROLIUM GAS

PETRON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with