Dahil sa pagsabog sa Makati, MRT naghigpit ng seguridad

Matapos maganap ang pagsabog sa Glorietta Makati, hinigpitan ng todo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) ang seguri­dad sa lahat ng istasyon nito sa kahabaan ng Edsa mula Pasay hanggang North Edsa QC.

Sa isang panayam, sinabi ni MRT Administrator Roberto Lastimoso, normal pa rin ang kanilang operas­yon kahit na may naganap na pagsabog sa Makati at malapit ito sa riles ng tren ng MRT. Hindi anya masu­sus­pinde ng operasyon ang MRT dahilan sa Biyernes kahapon at matao kaya’t minabuting gawin nila ay ang higpitan na lamang ang seguridad sa lahat ng istasyon ng MRT. Ito anya ay upang ma­iwasan na may isa pang ganitong pagsabog ang maganap sa MRT. (Angie dela Cruz )

Show comments