6 barangay sa QC binabantayan

Nakatutok   ngayon ang pu­wersa ng Quezon City Police District (QCPD) sa anim na ba­rangay nito dahil sa maaaring pagsiklab ng karahasan nga­yong darating na Barangay at Sang­guniang Kabataan Elec­tions ngayong Oktubre 29.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na nagdagdag na sila ng tauhan sa mga Barangay Commonwealth, Holy Spirit, Batasan, Talipapa, Fairview at Payatas na kabilang sa mga “areas of concern” sa naturang lungsod.

Sinabi ni Gatdula na kanilang minomonitor ngayon ang galaw ng mga kandidato sa naturang mga barangay kung saan may rekord ng karahasan sa mga na­ka­raang eleksyon sa barangay.

Bukod dito, una nang tinukoy ng National Capital Region Po­lice Office ang Brgy. Maricaban at Malibay sa Pasay City; Brgy. Putatan sa Muntinlupa at Ma­har­lika Village sa Taguig City bilang  mga “areas of concern”  sa ibang bahagi ng Metro Manila.

Wala pa naman umanong naiuulat na karahasan na may kaugnayan sa eleksyon hang­gang sa kasalukuyan ngunit ina­asahan na iigting ang tensyon pagsapit ng opisyal na campaign period hanggang bilangan ng balota. (Danilo Garcia)

Show comments