^

Metro

Litrato muna bago sakay

-

Posible na bago matapos ang taon ay  lilitratu­han na  ang lahat ng mga pasahero sa mga pam­pa­saherong bus sa Metro Manila.

Ito ay batay sa resulta ng pulong kahapon ng mga opisyal ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), Commission on Human Rights (CHR), Philippine National Police (PNP) at bus operators kaugnay ng napipintong implementasyon ng proyekto.

Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lan­tion, layunin ng programang ito ang magkaroon ng pagkakakilanlan sa mga pasahero upang maka­tulong na maresolba ang mga holdapan sa mga pampasaherong bus lalo na sa Metro Manila.

Sa kanyang panig, sinabi ni CHR Commis­sioner Wilhelm Soriano na wala naman silang naki­kitang paglabag sa kaparatang pantao sa pro­gramang ito kung ang proseso ay hahayaan lamang na makasakay ang mga pasahero sa mga terminal ng bus na hindi kailangan pang papilahin o tumayo ang mga pasahero upang makunan ng litrato.

Sinabi naman ni Efren de Luna, Pangulo ng Alliance of Transport Organization (ACTO) hindi makatwiran ang naturang hakbang dahil  parang sumasailalim ang mga ito sa police line-up at mistulang nilalabag ang karapatang pantao.

 “Kung wari may kasama akong number 2 eh di malaking away yan, paglabag yan sa aking karapatan,” pahayag ni de Luna.

 Wala pa namang reaksiyon hinggil dito ang mga operators ng pampasaherong sasakyan sa mga probinsiya partikular ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP).

Sinabi naman ni Claire dela Fuente, Pangulo ng Integrated Metro Bus Association na hindi naman ito aplikable sa kanila dahil sa wala naman silang terminal sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALLIANCE OF TRANSPORT ORGANIZATION

CHAIRMAN THOMPSON LAN

HUMAN RIGHTS

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with