Pasahero binoga sa mukha ng holdaper

Nasa kritikal na kundis­yon ang isang pasahero ng isang FX taxi makaraang barilin sa mukha ng nag-iisang holdaper makaraang manlaban ito sa suspek kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Isinugod sa Capitol Me­dical Center ng mga kapwa pasahero ang bikti­mang nakilalang si Resty Maala, isang factory worker. Na­katakas naman ang suspek na nasa pagitan ng edad na 22-25 anyos at nakasuot ng berdeng t-shirt.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Quezon Ave­nue sa tapat ng Parks and Wildlife Park.

Ayon sa isa pang pasa­hero na si Princess Perez, sumakay ang suspek sa may Philcoa at nagdeklara ng holdap pagsapit sa Wildlife. Tumanggi umano si Maala na ibigay ang kan­yang mga gamit at tinang­kang agawin ang baril ng suspek ngunit naging ma­agap ito at binaril ang biktima sa mukha.

Dito na inagaw ng sus­pek ang pagmamaneho sa naturang FX taxi sa driver na si Edwin Elaida at ibi­naba ito at ang mga pasa­hero sa Quezon Avenue. Natagpuan naman ang naturang sasakyan sa tapat ng isang supermarket sa na­turang kalsada rin. (Danilo Garcia)

Show comments