^

Metro

Mga ‘usisero’ sa krimen planong kasuhan

-

Plano ng Manila Po­lice District (MPD) na kasuhan ang mga tinata­wag na usisero sa tuwing may­roong nagaganap na krimen sa isang lugar.

Ito ang ipinahayag ka­hapon ni MPD-Homicide Chief Alejandro Yanquiling  kasunod ng ipatutupad na seminar nito para sa ka­alaman ng iba’t ibang sektor kaugnay dito.

Ayon kay Yanquiling ang nabanggit na plano ay bunsod na rin ng patuloy na paglala ng sitwasyon at pagkatalamak ng mga usisero  na mag-usisa sa mga krimen na nagaganap sa iba’t ibang panig ng Maynila.

Sinabi ni Yanquiling na nasisira ng mga usiserong ito ang mga nagkalat na ebidensiya sa mga pinang­yarihan ng krimen  kung kaya’t nagkukulang ang mga nakakalap na ebiden­siya ng mga kagawad ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO).

Kasama na umano sa mga itinuturing na mga usisero  ay ang ilang ka­gawad ng media kung saan ang mga ito umano ang siyang nangunguna na tumawid sa mga police lines.

Bunsod nito’y magbibi­gay din ng isang seminar ang MPD para sa mga kagawad ng media, parti­kular ang mga photo­graphers at cameramen para maunawaan ang medico legal investigation tulad ng DNA test, finger prints at iba pa.

Makikipag-ugnayan ang tanggapan ni Yanquiling sa mga miyembro ng media , local government, ilang ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI)   kung saan ang mga imbitadong speakers ay nagmula pa sa US embassy na sina Ste­phen Cutler, legal attache at Deputy nito na si John Sapinoso.

Ang nabanggit na semi­nar ay gagawin sa darating na October 18, ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. (Grace dela Cruz)

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HOMICIDE CHIEF ALEJANDRO YANQUILING

SHY

YANQUILING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with