^

Metro

Banko sa QC sinalakay

-

Sinalakay ng mga  ar­ma­dong kalalakihan ang isang banko kung saan natangay ang hindi pa ma­ batid na halaga ng salapi kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga nang sala­kayin ng anim na suspek ang United Coconut Planters Bank sa panu­lukan ng E. Rodriguez Ave­nue at Judge Jimenez St., sa naturang lungsod.

Nabatid na nabigla ang mga security guard ng natu­rang bangko nang big­lang sumulpot ang mga suspek na armado ng maha­habang baril at agad silang dinisar­mahan ng mga ito.

Naisakatuparan ng mga suspek ang panloloob sa loob lamang ng ilang mi­nuto bago mabilis na tuma­kas sakay ng kanilang get-away vehicle  na isang puting Toyota Corolla na may plakang WPZ-688 at isang Honda kotse na ipina­rada sa katabing gasoline station.

Hindi pa naman matiyak kung magkano ang hala­gang natangay ng mga sus­pek sa naturang insidente at kung nabuksan ang safety vault ng bangko. Nagawang makalusot ng mga suspek sa pulisya nang makatakas patungo sa direksyon ng New Ma­nila.  Agad namang ipinag-utos ni QCPD Di­rector Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang follow-up ope­rations upang madakip ang mga suspek. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

JUDGE JIMENEZ ST.

MAGTANGGOL GATDULA

NEW MA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODRIGUEZ AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with