^

Metro

Mga kalye sa Pasig lalagyan ng CCTV

-

Dahil sa sunod-su­nod na krimen sa mga kalsada sa Pasig City, minabuti ng pamunuang lungsod na maglagay ng mga Closed Circuit Television sa mga pa­ngu­nahing kalsada at  intersection upang ma­limitahan ang mga kri­men.

Ito ay matapos na maging laganap ang holdapang kinasasang­kutan ng mga motor­cycle riding on tandem na kadalasang binibik­tima ay mga bagong with­draw sa mga banko at ang dalawang sunod na away sa trapiko na ikinasawi ng isang vice president ng isang kom­panya at babaeng ka­sama nito.

Ayon kay Pasig City Mayor Robert Eusebio, uunahing lagyan ng CCTV ang loob ng city hall at matapos nito ay lalagyan din ang mga tulay, pangunahing kal­sada at intersection sa buong lungsod ng Pasig.

Nabatid na umaabot sa P5 milyong piso ang ilalaang pondo ng local na pamahalaan para ma­tugunan ang lahat ng ito.

“Hindi natin ilalagay ang mga CCTV sa mga kalye para lang pagtak­pan ang ginawa ng isang tao, ilalagay natin iyon upang mas mabilis na maresolba ang mga kaso,” pahayag ni Eu­sebio.

Bukod dito dinagdag pa ng Mayor na mas madaling mabibigyan ng solusyon ang mga kaso sa kalsada, tra­piko, robbery at kung anu-ano pa kung maku­kuhanan ng kamera ang mukha ng mga taong dumadaan at may ki­nalaman dito.

Isa pa sa magiging tulong ng proyekto ang mabilis na pagkakares­ponde ng awtoridad kung may sakuna dahil konektado   ang CCTV na ilalagay nila sa Com­mand post ng Pasig. (Edwin Balasa)

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

EDWIN BALASA

PASIG

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR ROBERT EUSEBIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with