^

Metro

Killer ng police colonel, sinalvage?

-

Patay na umano ang sinasabing killer ni QCPD Station     9    com­mander P/Supt. Jose Garcia ayon sa lumutang na testigo.

Sinabi ni QCPD-Cri­mi­nal Investigation and Detec­tion Unit chief, Supt. Frank­lin Mabanag na po­ sitibong itinuro ng isa nilang testigo ang hindi pa nakikilalang salvage vic­tim na siyang bumaril at na­kapatay kay Col. Gar­cia noong Setyem­bre 29 sa loob ng bakuran ng bahay nito sa Veteran’s Village sa Quezon City.

Ayon kay Mabanag, isang dating miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang suspek hanggang sa naging po­lice asset ni Col. Garcia. Na­batid na hindi umano pina­hiram ng pera ni Col. Gar­cia ang suspek na nagtulak dito para mabur­yong at barilin ang opisyal.

Naikuwento naman uma­no ng suspek sa isa ring police asset ng QCPD ang pagpatay nito kay Col. Garcia at naibu­lalas rin ang problema sa pera. Lumapit naman sa QCPD ang natu­rang police asset at iniulat ang ikinuwento sa kanya ng suspek.

Natagpuan naman ang patay na suspek nitong nakaraang Miyer­kules ng gabi sa Freedom Street, Luzon Avenue sa Bgy. Pasong Tamo. Nag­tamo ito ng dalawang tama ng bala sa likod habang nakatali ang mga kamay ng isang packag­ing tape.

Narekober   sa bang­kay ang mga gamit na pi­na­niniwalaang pag-aari ni Col. Garcia tulad ng check book, mga bala, police badge. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

FREEDOM STREET

GARCIA

INVESTIGATION AND DETEC

JOSE GARCIA

MABANAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with