^

Metro

Bagong laya kinatay ng kaibigan

-

Bunsod nang umano’y “onsehan”  pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na ex-con­vict ng kabaro nito sa Sam­paloc, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Jesus Capili, binata, miyembro ng Bahala na Gang, ng 444 Gov. Forbes, Sampaloc, Manila, ay namatay ha­bang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc sanhi ng tatlong tama ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilalang si Erick Tena, 23, binata ng 639 Geronimo St., Sam­paloc na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid sa imbestigas­yon na ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng umaga sa harapan ng isang bahay sa 444 Governor Forbes, Sampaloc, Manila.

Nauna rito nakita ng mga saksi ang masinsinang pag-uusap ng dalawa at ilang sandali pa ay nagla­bas ng patalim ang suspect at saka pinagsasaksak ang biktima.

Nabatid  naman ng pu­lisya na magkaibigan ang dalawa at parehas umano na sangkot ang dalawa sa mga ilegal na aktibidades.

Sa rekord ng pulisya, limang taon na nakulong sa Manila City Jail ang biktima sa kasong robbery at ilang linggo pa lamang itong nakakalaya, saman­ta­lang ang suspek ay labas-masok din sa kulu­ngan dahil din sa kasong pang­ho­holdap at droga subalit nakakapagpi­yansa umano ito.

Malaki ang hinala ng pulisya  na nagkaonse­han ang dalawa sa kita nila sa  kanilang “trabaho” kaya pinatay ng suspek ang bik­tima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ERICK TENA

GERONIMO ST.

GOVERNOR FORBES

JESUS CAPILI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with