Habambuhay sa 3 parak sa kidnap
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa tatlong dating pulis Maynila matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pagdukot at pagpatay sa isang Chinese trader noong Hulyo 2003.
Sa kanyang desisyon, sinabi ni QC RTC Judge Alexander Balot ng RTC branch 76 na sina PO1 Casem Ote, PO1 Papeniano Razos at PO2 Murpy Uddin ay guilty sa pagkidnap at pagpatay sa 71-anyos na negosyanteng si Amelia Barreto.
Ang tatlo ay pawang mga dating miyembro ng WPD. Ilan lamang sa mga ebedensiyang ginamit sa kaso ay ang dalawang mobile phones na pagmamay- ari ng mga suspek na nagtugma sa cellphone na ginamit sa pakikipag-negosasyon sa pamilyang Barreto.
Si Barreto ay pinaslang ng mga suspek matapos na ang kanyang pamilya ay nagbayad ng ransom. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending