^

Metro

Binata sinaniban: Ama, ina, 3 utol pinagtataga

-

Isang pamilya na kina­bibilangan ng lima katao ang nasa kritikal na kon­disyon matapos na pagta­tagain ang mga ito ng isa sa kanilang kapamilya na umano’y sinaniban ng ma­samang espiritu ka­hapon ng madaling-araw sa Ca­loocan City.

Kinilala ang mga bik­tima na inoobserbahan sa FEU General Hospital sanhi ng mga tinamong taga sa kani-kanilang ka­tawan at ulo na sina Eleuterio Totanes, 52; ang misis nitong si  Eliza­beth, 45; mga anak nilang sina Eloiza, 28; Louis, 22, at Mariel Liz, 18, pawang residente ng Block 48, Lot 18 Buenamar Street, Ca­pitol Park Homes II. Brgy. 178, Camarin ng nabang­git na lungsod.

Agad namang nadakip  ang suspect na si Ale­jan­dro Totanes, 20, anak din nina Eleuterio at Eliza­beth.

Ayon sa report, da­kong alas-2:50 ng mada­ling-araw nang maganap ang in­ sidente sa loob ng bahay ng pamilya Totanes sa na­sabing lugar habang ma­himbing na natutulog ang pamilya Totanes at sa hindi malamang kadahila­nan ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek. Unang sinalakay ng sus­pect ang kanyang mga magulang at saka isinu­nod ang tatlo niyang ka­patid at ang pinagrabe ay si  Mariel Liz.

Sa kabila ng mga tina­mong sugat ay nakuha pang makipag-agawan ni Eleuterio sa jungle bolo ng anak at sa  tulong ng ilang mga kapitbahay at guwar­diyang si Wilmer Galvan Jimenez, 21, ay tuluyang na­disarmahan  ang sus­pect at dinala sa himpilan ng Sub-Station (SS) 4 ng Ca­lo­ocan-PNP. Kaagad na­mang isinugod ang mga bik­tima sa nasabing paga­mutan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUENAMAR STREET

ELEUTERIO

ELEUTERIO TOTANES

ELIZA

MARIEL LIZ

SHY

TOTANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with