^

Metro

Mag-asawang trader todas sa holdap

- Edwin Balasa -

Patay ang mag-asa­wang negosyante maka­ra­­ang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa kila­lang kalalakihan na naka­sakay sa motorsiklo na nanghol­dap sa  mga ito,  kamaka­lawa ng gabi sa Manda­luyong City.

Idineklarang dead-on- arrival sa Mandaluyong Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ang mga bik­ti­mang sina Renato Ro­sarial, 35, at asawa nitong si Ma­rina, 40, may-ari ng isang pawn­shop at residente ng Coronado Heights Brgy. Barangka Ibaba ng lung­sod na ito.

Samantala agad na tumakas ang mga hindi pa kilalang suspek ma­tapos makuha ang isang belt bag na umanoy pinagla­lagyan ng ha­lagang P400,000 na ga­mit sa kanilang negosyo.

Ayon kay Sr. Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police, naganap ang insidente dakong alas-8:40 ng gabi sa kahabaan ng Mabini St., Brgy. Mabini ng na­sabing lungsod.

Nabatid na sakay ng kanilang motorsiklo na may plakang ZM-9521 ang mga biktima pauwi sa kanilang bahay at pag­sapit sa ma­dilim na ba­hagi ng lugar ay bigla na lang sumulpot ang mga suspek sakay din ng motorsiklo at mala­pitang pi­nagbabaril ang mag asawa.

Matapos ang pama­ma­­ril ay agad na kinuha ng isa sa mga suspek ang belt bag na naka­suot sa lalaking biktima bago mabilis na tu­makas.

Isang masusing im­bes­­ti­gasyon naman ang isina­sa­gawa ng Manda­luyong po­lice para sa posibleng pag­kakakilala sa mga sus­pek at pag-aresto sa mga ito.

vuukle comment

BARANGKA IBABA

CORONADO HEIGHTS BRGY

ERICSON VELASQUEZ

MABINI ST.

MANDA

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with