Parak na pumaslang sa magkapatid, sumuko
Matapos ang halos dalawang buwang pagtatago, sumuko sa kanyang opisyal ang isang pulis na bumaril at nakapatay sa isang magkapatid na lalaki sa
Sumuko kay Batasan station chief, Supt. Constante Agpaoa si PO2 Roel Torres upang linisin ang kanyang pangalan makaraan ang pagtatago. Nabatid na ito ang pangunahing suspek sa pamamaril at pagpaslang sa magkapatid na sina Renato, 46; at Redento Quare, 40, kapwa residente ng Brgy. Holy Spirit, ng naturang lungsod.
Ayon kay Torres, galing siya sa inuman sa isang birthday party noong nakaraang Agosto at papauwi na nang harangin siya ng magkapatid sa isang eskinita at tangka umano siyang pagtulungang bugbugin.
Ikinatwiran nito na ipinagtanggol lamang niya ang sarili nang agad siyang magbunot ng baril at paputukan ang dalawa. Isinugod sa
Sinabi ni Torres na natakot umano siya na gantihan ng mga kamag-anak at nagpalamig muna kaya siya nagtago. Handa naman umano nitong harapin ang kasong isasampa sa kanya at ipagtatanggol ang sarli sa korte. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending














