Sinusuportahan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang kahilingan ng transport operators na makabili ng diesel sa mababang halaga lamang, partikular ng mga pampasaherong jeep at bus na may ruta sa Metro Manila at lalawigan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karagdagang gasoline station na nagbibigay ng discount na P1.00 sa mga pampasaherong sasakyan upang hindi na humingi ng dagdag na pasahe ang mga transport operators sa LTFRB.
Sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion na sa ganitong paraan hindi na hihingi ng fare increase ang mga public utility vehicles at hindi na magkakaroon pa ng pagtataas sa singil sa pasahe sa jeep, bus at taxi. (Angie dela Cruz)