^

Metro

Tanod nabangga na, sinaksak pa

-

Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay  ang isang barangay tanod  ng dalawang hindi nakiki­lalang suspect makara­ang sitahin ng una ang mga huli nang mabangga siya ng mga ito sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang idinek­larang dead-on-the spot ay nakilalang si Arnulfo Sapico, may-asawa, Brgy. Tanod ng Brgy. 7 Zone 1, ng 131 Mata St., Tondo sanhi ng tama ng saksak sa katawan.

Habang inaalam na­man ang pagkakakilanlan sa   suspek na tumakas ma­tapos ang insidente.

Nabatid sa imbes­ti­gas­yon naganap  ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kanto ng Padre Rada at Ilaya Sts., Tondo.

Ang mga suspect ay magka-angkas umano sa kanilang kulay itim na motorsiklo nang na­bangga nila ang biktima dahilan upang sitahin ng mga ito ang huli.

Ngunit sa halip na humingi ng dispensa at maki­pag-ayos sa bik­tima ay inaway pa ng da­lawa ang una hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo.

Mabilis umanong nag­labas ng patalim ang isa sa mga suspect at pinag­tulungan saksakin ang biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ARNULFO SAPICO

BRGY

ILAYA STS

MATA ST.

PADRE RADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with