Yaya ni Dindin kinasuhan na ng kidnapping
Pormal nang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong kidnapping laban sa yaya ni Geraldine “Dindin” Palma na si Marites Ontog matapos na makakalap ng ebidensiya na ito ang promotor sa pagkidnap sa kanyang alaga.
Ayon kay NBI-Special Investigator Darwin Francisco na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na si Ontog din ang utak sa nabanggit na pagdukot kay Dindin ngunit hindi pa naman pinapangalanan kung sinu-sino ang posibleng kasabwat nito.
Gayunman, hindi isinampa ng NBI ang kasong murder laban kay Ontog dahil sa hindi pa rin napapatunayan na si Dindin ang batang pinaslang at isinilid sa maleta noong Aug 16 sa
Tumanggi naman si Francisco na pangalanan ang mga kasabwat ni Ontog dahil patuloy pa rin umanong kumakalap ng ebidensiya ang NBI laban sa mga ito.
Sinabi pa ni Francisco na si Ontog umano ang kasama ni Dindin nang dukutin ang huli ng mga armadong lalaki sa Pasig City at ang pagkabigo nito na lumutang at makipagkooperasyon sa mga awtoridad para magbigay linaw sa pagkawala ni Dindin.
Ilang araw matapos na mawala si Dindin ay tumawag umano si Ontog sa pamilya Palma at humingi ng P10-M hanggang sa magkatawaran at bumaba sa P245,00 ang ransom sa apat na araw na negosasyon.
Ang negosasyon ay nakatakda sana noong Agosto 14 ngunit hindi natuloy dahil sa pangamba ng mga suspects na mamonitor sila ng pulisya.
Samantala, isang linggo na lamang umano ay mailalabas na ng NBI ang resulta ng DNA test sa bangkay ng batang nakuha sa maleta para mabatid kung ito nga si Dindin.
Bukod sa kasong kidnapping ay isinampa din kay Ontog ang kasong paglabag sa Republic Act 7610-Anti Child Abuse Act.
Una nang pinahukay ang bangkay ng batang hinihinalang si Dindin matapos na magpahayag ng pagdududa ang MPD- Homicide division na ito ang batang Palma dahil na rin sa umano’y pagkakaiba ng dental record at height nito na nakatala sa St. Paul-Pasig. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending