^

Metro

Fan ni Pacquiao binurda ng saksak

-

Kritikal sa pagamutan ang isang 24-anyos na obrero makaraang  burda­han ng saksak ng kanyang kapitbahay na umano’y tinalo niya sa pustahan sa labanan nina Mexican boxer Marco Antonio Barrera at “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao kahapon ng hapon sa  Pasay  City.

Kasalukuyang ginaga­mot sa isang pagamutan ng nabanggit na lungsod ang biktima na si Anthony Asuncion, residente ng FB Harrison St., ng nabanggit na lungsod, dahil sa tinamo nitong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pinaghahanap pa ng awto­ridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Joco”, kapitbahay ng biktima.

Nauna rito,  nagpusta­han ang dalawa sa laban nina Pacquiao at Barrera.

Kay Pacquiao umano pumusta ang biktima ha­bang ang suspek ay kay Barrera.

Matapos na ideklarang panalo si Pacquiao at nang singilin na ng biktima ang perang napanalunan nito sa suspek ay tumanggi uma­nong ibigay ito ng huli dahilan upang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ng biktima at ng suspek ay bigla umanong naglabas ng balisong ang huli na uma­no’y nairita sa paniningil at pang-uurot ng panalo ng una.

Nabatid na habang na­ka­talikod ang biktima ay agad na inundayan ito ng saksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan hanggang sa duguan itong humandusay. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANTHONY ASUNCION

HARRISON ST.

KAY PACQUIAO

MARCO ANTONIO BARRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with