^

Metro

Driver inantok, trak ng bigas nahulog sa creek

-

Nahulog sa Talayan creek sa Quezon City ang isang trak na may kargang 350 sako ng bigas kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa driver ng 10-wheeler truck na si George Siapno, nawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong trak nang antukin siya habang nagmamaneho mula sa kanilang biyahe galing Tarlac para mag-deliver ng bigas sa San Juan City.

Hanggang alas-8 ng umaga kahapon, hindi pa rin naalis ang trak sa naturang creek kaya maraming kabataan ang nagkanya kanya ng hakot ng bigas na natapon naman sa daan.

Dalawang katao naman na nakilalang sina Carlos Bonifacio at Efren Dumahan ang dinampot ng mga pulis  at dinala sa presinto nang mahuling isinasakay na sa isang tricycle ang dalawang sako ng bigas na kinuha sa trak. Pinabulaanan nila ang akusasyon. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CARLOS BONIFACIO

CRUZ

DALAWANG

EFREN DUMAHAN

GEORGE SIAPNO

QUEZON CITY

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with