^

Metro

Oyster lady binurda ng saksak, todas

-

Isang  43-anyos na streetsweeper at miyembro ng Out- of-School Youth Towards Economic Recovery  (OySter) na itinatag ni Pangulong Gloria Arroyo ang pinagsasaksak at napatay sa loob ng kanyang tahanan sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Norma Dacanay, magwawalis ng 917 Orchids St., Sta. Ana. Nagtamo siya ng 15 saksak sa katawan.

Pinaniniwalaang may ilang oras nang patay ang ginang nang matuklasan ng anak niyang si Queen Anthony.

Sa pagsisiyasat, isa umanong lalaki ang nakitang bisita ng biktima at pinagmeryenda pa umano ito, patunay ang baso at isang pitsel na juice na dinatnan sa crime scene.

Napag-alaman na ang biktima ay madalas puntahan ng ilang mga kasamahan sa trabaho at kakilala dahil nagpapautang ito ng perang patubuan. Gamit umanong puhunan ng biktima ang nautang na malaking halaga ng kaniyang mister sa insurance.

Posibleng ang suspek umano ang tumangay ng may tinatayang P100,000 cash, mga alahas at cellphone ng biktima dahil  magulo at kalat-kalat ang gamit sa buong kabahayan. (Ludy Bermudo)

GAMIT

ISANG

LUDY BERMUDO

NORMA DACANAY

ORCHIDS ST.

PANGULONG GLORIA ARROYO

QUEEN ANTHONY

SCHOOL YOUTH TOWARDS ECONOMIC RECOVERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with