^

Metro

Bagong laban ni Pacquiao hindi na libre sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

Hindi na mapapanood nang  libre ng mga residen­te ng Maynila ngayong Linggo ang laban ni Peo­ple’s Champ Manny Pac­quiao kay Marco Antonio Barrera matapos na ipatigil ito ng  city government.

Dismayado ang mga residente ng Tondo, May­nila makaraang ipahinto ni Manila Mayor Alfredo Lim ang libreng pagpapalabas ng laban ni Pacquiao sa Del Pan Sports Complex.

Ang  nasabing sports complex ay isa lamang sa mga lugar na pinagda­ra­usan ng  pagpapalabas ng mga naunang laban ni Pacquiao noong si Lito Atienza pa ang alkalde ng Maynila.

Ayon  naman kay Vice Mayor Isko Moreno, ma­raming iniwang utang ang administrasyon ni Atienza kaya kailangan magtipid ang city government.

Ipinaliwanag ni Moreno na mas mailalaan sa pa­nga­ngailangan ng mga  resi­dente ng Maynila ang pon­dong ibabayad sa pag­pa­pa­labas ng  laban ni Pacquiao at ang paglalaan ng pondo sa mga proyekto ng  city government.

Idinagdag pa ni  Moreno na mapapanood din naman ng mga tao ang laban ni Pacquiao sa kanilang mga tahanan.

vuukle comment

CHAMP MANNY PAC

DEL PAN SPORTS COMPLEX

MAYNILA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with