^

Metro

Pekeng pulis timbog ng NBI

-

Isang impostor na pulis ang inaresto ng mga ele­mento ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation nito sa Quezon City, kahapon.

Ang suspect ay kinila­lang si Joselito Sison  Garcia, 37, ng Lot 1 Blk 5 Francisco Homes Phase 1, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa ulat, nakatang­gap   ng impormasyon ang NBI kaugnay sa ilegal na aktibidad ng suspect kung saan nagpapanggap uma­no ito bilang miyembro ng Presidential Security Group  at ginagamit ang lagda at seal ng Pangulo upang makapagpalabas ng mis­sion order.

Bukod dito, kinakalakal pa umano ng suspect ang nabanggit na mission order sa pamamagitan ng “pag­be­benta” nito at may pirma ng isang P/C Insp. Joselito Garcia ng PSG. Ang na­bang­git na mission order ay ibinibenta umano ng sus­pect upang makapagdala ng baril ang mga “kliyente” nito. Nagpapakilala din umano ang suspect  bilang isang police major na naka­talaga sa Malacañang  at group commander ng pe­keng Presidential Monitor­ing Group. Hindi lamang umano ang mission order ang ibinebenta ng suspect kundi iba pang dokumento  na mayroong pekeng seal ng Philippine National Police at Department of Interior and Local Govern­ment (DILG). (Grace dela Cruz)

vuukle comment

C INSP

FRANCISCO HOMES PHASE

JOSELITO GARCIA

JOSELITO SISON

MONTE CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with