^

Metro

Dagdag na P1.50 pasahe sa jeep, hirit ng transport groups

-

Hihingi ang transport groups ng dagdag pasahe na P1.50 sa minimum na pasahe sa jeep nationwide.

Ayon kay Zeny Mara­nan, National President ng Federation of Jeepney Ope­­rators and Drivers Asso­ciation in the Philip­pines (FEJODAP), takdang magsampa ng petisyon ang kanilang hanay sa Land Transportation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) para sa dagdag na pasahe sa mga pam­pasaherong jeep sa buong bansa.

Ayon kay Maranan, panahon na para humingi sila ng dagdag singil pa­sahe sa mga pampasa­herong jeep lalo pa nga’t sunud-sunod na naman ang pagtaas ng halaga ng diesel sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Maranan na hindi naman nila itutuloy ang pagsa­sampa ng fare increase kung mananatiling P35.00 ang halaga ng diesel kada litro.

Anya, sa kasalukuyan, umaabot na sa P35.90 ang halaga ng diesel kada litro.

Kung aaprubahan ng LTFRB ang kanilang kahi­lingan, aabutin na sa P8.50 ang minimum na pasahe mula sa kasalukuyang P7.00.

Sinabi naman ni Homer Mercado, Pangulo ng Pro­vin­­cial Bus Operators Asso­ciation of the Philippines (PBOAP) na kakausapin pa niya ang kanilang hanay upang mapagdesisyunan kung hihingi din ng taas pasahe sa mga pampasa­herong bus. (Angie dela Cruz)

AYON

BUS OPERATORS ASSO

DRIVERS ASSO

FEDERATION OF JEEPNEY OPE

HOMER MERCADO

LAND TRANSPORTATION FRAN

MARANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with