^

Metro

Holdaper ng parak, timbog

-

Minalas ang isang hol­daper matapos na bikti­ma­hin nito ang isang pulis kung kaya’t sa kulu­ngan ito bumagsak kama­ka­lawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Nakilala ang sus­pect na si  Sonny Arces at ang kan­ yang biniktima ay si PO1 Mark Joseph Ver­gara, 22, nakatalaga sa RSHU, National Capital Regional Police Office sa Bicutan, Taguig City. Na­ba­tid na na­aresto ang sus­pect da­kong alas-10 ng gabi sa kanto ng Her­mosa at Jose Abad Santos Sts., Tondo.

Napag-alaman na nag­lalakad umano sa natu­rang lugar ang pulis  nang lapitan siya ng suspect na armado ng kalibre .38 at nagdeklara ng holdap. Ngunit nang ma­kita ang posas sa liku­ran ni Vergara at matanto na pulis ang kanyang bini­biktima ay bigla umanong nataranta ang suspect kaya nagbu­not ito ng ha­wak niyang baril at tinang­kang barilin ang parak  subalit hindi ito pumutok kung kaya ma­bilis na tu­makas. Gayun­man na­dakip din ito ng mga nag­pa­patrulyang ta­uhan ng pulisya. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BICUTAN

CRUZ

GAYUN

JOSE ABAD SANTOS STS

MARK JOSEPH VER

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SHY

SONNY ARCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with