^

Metro

Magkaibigan kinuyog ng mga bagets:1 todas, 1 sugatan

-

Dalawang magkaibi­gan ang hinarang at pi­nag­sa­saksak ng apat na menor-de-edad na kala­lakihan habang ang mga ito ay pa­pa­uwi mula sa isang birth­day party kahapon ng ma­daling-araw sa Sam­paloc, Maynila.

Isa ang nasawi na na­kilalang si Michael Pom­bo,18, residente ng #1840 G.Tuazon St., Sampaloc Manila,  habang ginaga­mot sa Ospital ng Sampa­loc ang kaibigan nitong  si Raymart Ignacio, 17.

Nabatid sa ulat, ang in­sidente ay naganap dakong alas-3:30 ng ma­da­ling-araw habang ang mga biktima ay nagla­lakad pa­pa­uwi sa ka­nilang bahay mula sa birthday ng kaibi­gan ng mga ito na nakila­lang si Mary Joy Ignacio nang biglang kuyugin ng grupo ng mga suspect.

Mabilis umanong si­nak­sak ng ice pick ng isa sa mga suspect si Pombo at pinagbubugbog naman si Ignacio.

Ang mga suspects ay tina­tayang nasa edad umano mula 15-17 taong gulang ay mabilis na nagsi­takas matapos ang in­sidente.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na mga miyem­bro ng kilabot na fraternity ang mga suspects at napag­diskitahan ng mga ito ang mga biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

MARY JOY IGNACIO

MICHAEL POM

RAYMART IGNACIO

SAMPALOC MANILA

SHY

TUAZON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with