3 ‘hulidap cops’ arestado
Tatlong binansagang “hulidap cops” ang naaresto ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang entrapment operation na muntik nang mauwi sa shootout sa bisinidad ng isang fast food chain sa Rosario,
Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iprinisinta ng mga opisyal sa pangunguna ni PNP-CIDG Chief P/Director Edgardo Doromal sa mediamen ang mga nasakoteng suspect na pawang mga bagitong pulis.
Kinilala ni Doromal ang mga ito na sina PO1s Jayson Rivera ng EPD- District Investigative Detection Management Division (EPD-DIDM), Nelson Adamos at Philip Aure; kapwa ng Pasig Police Station Drug Enforcement Unit.
Ayon kay Doromal, ang mga suspect ay nasakote ng kanyang mga tauhan matapos ang muntik nang shootout sa isang hostage drama pasado alas-12 ng tanghali sa
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PNP-Criminal Investigation Detection Division (CIDD) matapos na ireklamo ang tatlong scalawags ni Roditha Martin ng Manggahan,
Hinahanap umano ng mga suspect ang kanyang live-in partner na tinukoy nitong si Leo na pinosasan ng mga ito matapos na akusahan na isang drug pusher.
Maliban dito ay niransak din umano ng mga suspect ang kanilang tahanan at tinangay ang 10 units ng cell phones, tatlong mamahaling relo na nagkakahalaga ng P250,000 bawat isa, dalawang DVD players na tig-P42,000; dalawang video cameras na tig-P47,000, dalawang rubber shoes P8,400; dalawang digital camera, isang gintong kuwintas ng babae P6,000, ATM card, wallet at ang kanilang Yamaha motorbike na nagkakahalaga ng P65,000.
Gayunman sa halip na sa presinto dalhin si Leo ay dinala ng tatlong parak sa 3rd floor na residente pa ng mga ito at humingi ng P200,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang live-in partner.
Bunga nito ay napilitang dumulog sa tanggapan ng PNP-CIDG si Roditha kung saan ay itinakda ang entrapment operation sa nasabing lugar.
Gayunman, nang iabot ang nasabing pera ay nakahalata umano si Aure na nalansi sila kaya sinunggaban sa leeg si Roditha at tinutukan ng kaniyang cal. 9 MM pistol sa sentido.
Mabilis namang umaksyon si SPO1 Haneeh Sali, miyembro ng arresting team at hinamon si Aure na tinutukan rin nito ng kaniyang cal. 45 pistol sa ulo kaya napilitan ang suspect na ibaba ang kanyang armas kung saan nasakote ang dalawa pa nitong kasamahan matapos na makorner ng PNP-CIDG operatives.
Inihahanda na ang kasong kidnapping, armed robbery, carnapping at iba pa laban sa mga nasakoteng scalawags na bagitong parak.
- Latest
- Trending